Naku parang one year ko pala hindi na update tong blog. Kasi naman, ang boring pala ng life ng online stupident. Wala akong physical na kaklase. Last year na meet ko sila dahil sa isang field work pero hindi na naulit. Tapos yung ibang mga kaklase ko parang mga kalabaw mag reply sa online forums, puro “oo nga, oo nga”. Puro agree agree, for crying out loud mag disagree naman di ba? O kaya wag na lang gumaya sa mga naunang sagot.
Heniwey, nag LOA kasi ako last sem. Wala kasing pang-enroll. Hindi naman porke’t iskolar ako ng bayan eh mura ang tuition. Ang mahal kaya! Buti na nga lang hindi ako covered ng bagong increase. Kaya hayun patatlo-tatlong units lang ang ineenrol ko. Kelan pa kaya ako matatapos nito?
Pero ngayon, enrolled na ulit ako. Video production kuning kuning. Paano kaya to wala naman akong video equipment, pwede kaya gamitin ang cellphone o digicam video? Pang youtube lang quality nun eh.
Eto namang Learning Center ko, hindi nilinaw na male-late na pala ako ng registration, nagbayad pa tuloy ako ng delivery fee ng materials eh pwede ko namang pick-apin yun sa learning center. Kelan kaya darating yun?
Sana lang madalas ko pang ma-update ang blog na ito. Let’s just wait and see!